World leaders, nagpaabot ng pagbati sa bagong Pangulo ng South Korea

92

South Korea – Nagpaabot ng pagbati ang iba’t ibang lider ng mga bansa kay Moon Jae-In sa pagkapanalo nito bilang bagong Presidente ng South Korea.

Ayon kay White House Press Sec. Sean Spicer, looking forward si U.S. President Donald Trump na makatrabaho si Moon Jae-In para sa pagpapalakas ng alyansa ng Washington at Seoul.

Excited naman na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na makaharap ang bagong pangulo lalo’t mahalagang strategic partner ng Japan ang SoKor.

Nangako naman ng pakikipagtulungan si Chinese President Xi Jinping para sa bilateral relation ng dalawang bansa.

Batay sa National Election Commission, landslide ang pagkapanalo ni Moon kung saan nakuha niya ang 41.8 percent o higit 33.8 milyong boto pabor sa democratic party candidate.

DZXL558

Facebook Comments