WORLD NEWS | YouTube, gagawa ng exclusive shows at movies na libre; Stephen Hillenburg, pumanaw na

36

Plano ng video steaming ng Google na YouTube na gawing available sa lahat ng users nito ang kanilang mga original content at programming.

Ayon sa YouTube, layunin nitong makahakot pa ng maraming audience ang mga programa at pelikula na kadalasang tanging mga paid subscriber lamang ang may access.

Simula sa susunod na taon, aalisin na ang exclusive access sa original programs ang YouTube premium.

Samantala, pumanaw sa edad na 57 ang creator ng sikat na animated TV series na ‘SpongeBob Squarepants’ na si Stephen Hillenburg.

Sa statement ng Nickelodeon, lubos nilang ikinalulungkot ang pagkawala ni Hillenburg na ilang taong nilabanan ang sakit na Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS) o mas kilala bilang Lou Gehrig’s Disease

Taus puso silang nakikiramay sa mga kaibigan at pamilya ni Hillenburg.

Ang ALS ay isang pambihirang sakit na nakakaapekto sa nervous system ng tao.

Facebook Comments