WORLD RECORD | Lalaki sa India, nakuha ang record sa pinakamabilis makaubos ng bote ng ketchup

83

Manila, Philippines – Ikinatuwa ngayon ng isang lalaki mula sa India ang pag-recognize ng Guinness World sa kakaibang record attempt nito.

Nabatid kasi na nasungkit ni Dinesh Shivnath Upadhyaya ang record na “fastest time to drink a bottle of ketchup” na may 396 grams (14 oz) ang laman.

Gamit ang isang straw, inabot lamang ng 25.37 seconds si Danish para maubos ang bote ng ketchup kung saan ginagawa daw niya ito para madagdagan pa ang hawak na Guinness World title.

Nabatid kasi ilan sa hawak na record ni Danish ay ang pagsubo ng 88 piraso ng ubas sa ng sabay-sabay loob ng bibig nito, pagkain ng peanut butter na may 269.6 grams sa loob ng isang minuto, pinaka-mabilis na magbalat at kainin ang grapefruit kasama na ang pinakamaraming nabalatan at nakain na oranges sa loob lamang ng tatlong minuto.

Facebook Comments