World title na “Most Push-ups In One Hour” – nasungkit ng 52-anyos na lalaki mula UK

Wales, UK – Isang panibagong world record ang nasungkit ng 52-anyos na lalaki mula Wales, UK matapos na makagawa ng mahigit 2,500 na push-ups sa loob ng isang oras.

Tagumpay na naagaw ni Carlton Williams ang titulong “Most Push-Ups In One Hour” mula sa naunang record noong 2015.

Nakagawa si Williams ng 2, 682 push-ups na 172 mas marami kumpara sa 2, 392 na naitala ng unang title holder nito.


Samantala, October 1980 naman nang masungkit ng Japanese na si Minoru Yoshida ang “Most Push-Ups in 24 hours” kung saan nakapagtala siya ng 10, 507 na non-stop push-ups.

Wala pang nakakaagaw sa kanyang titulo.

Facebook Comments