World’s First Caffeinated Bread – bagong food trend sa Colorado, USA

153

Amerika – May mga taong hindi sapat ang isang tasang kape sa kanilang almusal bilang pampagising sa umaga.

Kaya naman isang sikat na American Coffee Chain sa Colorado ang naglabas ng kauna-unahang caffeinated bagels sa buong mundo.


Tinawag nila itong “espresso buzz bagels” – isang uri ng ham, bacon and egg sandwich na hugis donut at coffee-flavored.

Mayroon itong 13 grams ng protein at 32 milligrams ng caffeine na halos one-third ng amount na mayroon ang isang tasang kape.

At dahil love na love nila ang kape, pumatok agad sa panlasa ng mga customer ang kanilang “espresso buzz bagels”.

DZXL558




Facebook Comments