World’s largest book sale na Big Bad Wolf, muling magbabalik bansa

68

Good news para sa mga Pinoy book lovers dahil muling magbabalik ang world’s largest book sale na Big Bad Wolf sa darating na Valentine’s Day.

Tinatayang aabot sa 2 milyong libro ang matatagpuan dito kung saan  ipinangako ng mga organizers nito na magkakaroon sila ng diskwento mula 50% hanggang 90%.


Kasunod nito, sa kanilang pagbabalik sa bansa ay nag-pledge din ang kanilang organizers ng donasyon para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Matatandaang limang beses nang bumisita ang naturang book sale sa Pilipinas kung saan umabot sa higit 300,000 katao ang pumunta dito lamang sa Maynila.

Facebook Comments