WOW! | Pinay – pasok sa 4-chair challenge ng X-Factor Romania

72

Romania – Pasok sa 4-chair challenge ang pinay singer na si Bella Santiago bilang contender sa X-Factor Romania.

Sa kanyang naging performance, inawit ng 28-year old Pinay ang “Rolling In The Deep” version ni KZ Tandingan.

Napabilib naman ni Bella ang OPM singer at sinabing na-overwhelmed siya nang gawin nitong inspirasyon ang naging performance niya noon sa singer 2018 sa China.

Samantala, makakaharap ng Pinay X-Factor contender sa duel round si Christian Sanda, na kung makalusot ay makakapag-perform siya sa live show.

Facebook Comments