WPS | DFA, pinasinungalingan ang umano ay pagpapatigil sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea

22

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang naging pahayag ni Magdalo Rep. Gary Alejano na ipinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatrolya sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

Ayon kay Cayetano napaka iresponsable nang naging pahayag ni Alejano dahil inilalagay lamang nito sa kapahamakan ang ating national security

Lalo lamang din aniya nitong pinalalala ang sitwasyon dahil sa pagpapakalat ng mali-maling impormasyon

Giit pa ni Cayetano na malinaw na namumulitika lamang si Alejano dahil sa walang basehan ang kanyang mga sinasabi

Sa kabila nito, tiniyak ni Cayetano na tuloy tuloy ang ginagawang pagpapatrolya ng mga tauhan ng Phil Coast Guard at Philippine Navy sa pinag aagawang teritoryo

Matatandaang kamakailan, lumabas ang isang video kung saan kinukuha ng Chinese Coast Guard ang magagandang huling isda ng mga Pinoy Fishermen sa Scarborough Shoal na wala manlamang silang kalaban laban.

Facebook Comments