Writ of preliminary injunction na ihinain ng Taguig LGU para magamit ang mga pasilidad sa EMBO Barangay, kinatigan ng korte

Pinagbigyan ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) ang inihaing writ of preliminary injunction ng Taguig City Local Government Unit (LGU) para mapanatili ang kapangyarihan ng pamahalaang lungsod sa paggamit ng mga pasilidad sa EMBO.

Ito’y kasunod na rin ng pinalawig na Temporary Restraining Order (TRO) na pumabor sa Taguig.

Dito, pinagbabawalan ang lokal na pamahalaan ng Makati gayundin ang mga kinatawan nito na ma-access ang mga pampublikong gusali at pasilidad sa mga EMBO Barangay.

Dahil sa desisyon ng korte, nagpasalamat naman si Taguig City Mayor Lani Cayetano, aniya isa na itong hudyat ng tuloy-tuloy na serbisyo ng LGU para sa mga mamamayan ng EMBO na makamit ang nararapat lamang na tulong para sa mga residente ng kada barangay.

Kabilang na rito ang health centers, covered courts, daycare centers at iba pang pangunahing pasilidad na solong pamamahalaan at pangangasiwaan ng Taguig City para makapaghatid ng serbisyo sa mga residente at nasasakupan nito.

Facebook Comments