WRONG MOVE? | PRRD, binigyan ng maling payo – KDP

Manila, Philippines – Naniniwala si Butch Valdez Chairman Founder ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) na nabigyan ng maling payo si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang mga economics advisers kaya nagkawendang-wendang ang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Valdez, napapanahon ng dapat na tanggalin ni Pangulong Duterte ang kanyang mga economic advisers para umunlad naman ang bansa.

Paliwanag ni Valdez nakasisira lamang sa liderato ng Pangulong Duterte ang mga political advisers nito dahil sa mga ipinapayo nila sa Pangulo na lalong nagpalala sa ekonomiya ng bansa.


Umaasa si Valdez na mapag-iisipan ng Pangulo ang kanyang gagawin upang mapababa ang inflation rate ng bansa na ang dahilan ng pagtaas ay dahil sa mga maling advise ng kanyang mga economics advisers.

Facebook Comments