Xander Ford, emosyonal na humingi ng sorry kay Kathryn Bernardo

Showbiz – Emosyonal na nag-sorry ang social media personality na si Xander Ford kay Kathryn Bernardo.
Ito ay matapos niyang aminin na siya nga ang namintas sa aktres sa isang kontrobersyal na viral video.
Paliwanag ni Xander, nagsisisi na siya sa nasabi niya at ginagawa naman niya ang lahat para magbago.
Kasabay nito, inamin ni xander na dumadaan siya ngayon sa depresyon.
Bukod kasi sa mga batikos ng netizens at mismong mga taga-showbiz, nakatatanggap din daw siya ng mga death threat.
Hiling niya, bigyan pa siya ng second chance.
Samantala, nakipag-ugnayan na sina Xander at kanyang manager sa N-B-I para sa mahuli ang taong nag-upload ng video.

Facebook Comments