Xian Gana, itinuturing ng BI bilang security risk

Itinuturing nang security risk ng Bureau of Immigration (BI) ang negosyanteng si Christian Albert Gaza o Xian Gaza.

Kaugnay ito ngĀ  kanyang viral post sa social media kung saan pinagmamalaki niyang nakalusot siya sa immigration officers sa kabila ng tatlong warrants of arrest sa Pilipinas.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng BI ang posibleng legal actions laban kay Gaza.


Binatikos din ng BI ang tunay na intensyon ni Gaza.

Nilinaw din ng BI walang anomang derogatory records sa kanilang database si Gaza kaya wala ring rason ang kanilang mga tauhan para pigilan itong lumipad patungong Hong Kong.

Facebook Comments