Yam Concepcion, engaged na sa kaniyang longtime boyfriend

Sinorpresa ng aktres na si Yam Concepcion ang kaniyang 2.1 million followers matapos amining matagal na siyang engaged sa kaniyang longtime boyfriend na si Miguel.

Sa Instagram post ni Yam, ibinahagi nito ang isang larawang kuha ang kanilang special moment na ginanap sa Niseko, Japan noong December 31, 2018, alas-11:59 ng gabi.

May caption ito na ‘A thousand cranes YES’ na umani ng maraming komento mula sa mga celebrity friends ng aktres.


Matatandaang sa panayam ni Toni Gonzaga kay Yam, inamin ng aktres na matagal siyang manananatili sa Estados Unidos para makasama ang kaniyang boyfriend.

Nasanay rin aniya sila sa Long Distance Relationship (LDR) pero nananatiling matatag sa pamamagitan ng komunikasyon at tiwala.

Facebook Comments