Yam concepcion, pumalag sa pambabastos ng netizen!

156

Binanatan ng aktres na si yam conception ang isang netizen na nagpapakalat ng screencaps ng mga naked scene niya mula sa isang adult thriller movie na ginagawa niya noong 2012.

Sa post ng netizen, makikita ang litrato ng aktres kasama ang actor-model na si John James Uy sa kanilang sexy scene sa pelikulang “rigodon”.


May caption pa ito na “halik #bantanghalik #adultery omg! Lino! Ipakita ko to sa korte #yamconception #yensanstos #sammilby #jerichorosales”.

Tinutukoy dito ng netizen ang pinagbibidahang soap opera ngayon ng aktres kung saan gumaganap siyang kabet.

Say ni yam, nabastusan siya sa ginawa ng netizen.

Kinuwestyon niya ang dahilan o punto ng netizen sa pagpapakalat ng mga larawan na aniya’y bahagi lang naman ng karakter niya sa pelikula.

Facebook Comments

From Advertisers