Young actor na si Elijah Canlas, humakot ng parangal sa international scene

47

Patuloy na namamayagpag ang mga Pinoy sa international scene.

Ito ay matapos na masungkit ng 20-anyos na young actor na si Elijah Canlas ang “best actor” sa 2021 Harlem International Film Festival.


Umani ng pagkilala si Canlas dahil sa hindi niya matatawarang pagganap bilang anak ng isang pari na nagkaroon ng HIV sa pelikulang “Kalel, 15” kung saan humakot din ito ng parangal sa Gawad Urian, Famas at Asian Film Festival sa Rome, Italy.

Facebook Comments