Yumaong Cebu City Mayor Edgardo Labella, ililibing na ngayong araw; Full military honors, isasagawa sa funeral nito

52

Bibigyan ng full military honors si former Cebu City Mayor Edgardo Labella para sa libing nito ngayong araw sa Golden Haven Memorial Park sa Barangay Talamban sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay Councilor Dave Tumulak, ang in-charge sa burial affairs sa dating alkalde, posibleng may pagkakataon na titigil ang daloy ng funeral route sa yumaong alkalde patungo sa Golden Haven Memorial Park dahil sa isasagawa na military salutes bilang pagpapakita sa huling paggalang ng ilang city government at ibang government agencies sa Cebu .

Si Labella ang unang mayor sa lalawigan na namatay samantalang nakaupo pa ito bilang alkalde sa Cebu City.


Ang funeral route nito ay magsisimula sa Cebu City Hall kung saan ilang araw nanatili ang kanyang lamay at dadalhin ito sa Cebu Metropolitan Cathedral para sa misa bago magtungo sa Golden Haven Memorial Park kung saan ililibing ang alkalde at isasagawa ang 21-gun salute para sa yumaong alkalde.

Facebook Comments