Zamboanga City, itinanghal na kampeon sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup

40

Nasungkit ng Zamboanga City ang kampeonato sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup matapos talunin ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa score na 22-19.

Bumida sa panalo ng Zamboanga sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol na nagtala ng tig-7 points.


Bukod sa kampeonato, nag-uwi rin ang koponan ng P1 million na premyo sa torneo.

Una nang naging professional league ang Chooks-to-Go Pilipinas noong Hulyo.

Facebook Comments