ZERO CHILD AND MATERNAL MORTALITY RATE, TARGET NG LGU DAGUPAN

Tututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kapakanan at kalusugan ng mga bata at ina alinsunod sa adhikaing makamit ang zero mortality rate sa lungsod.

Alinsunod dito, mas palalakasin pa ang mga serbisyong ilalaan para sa mga ina at sanggol sa koordinasyon partikular ng mga midwives at Barangay Health Workers (BHWs) sa lahat ng tatlumpu’t-isang barangay.

Nauna nang pinulong ng alkalde ang mga BHWs upang ilatag at talakayin ang mga isasagawa kaugnay nito.

Kabilang sa inaasahang paiigtingin ngayon ang regular monitoring sa mga buntis, at ang nakatakdang implementasyon ng postpartum check-ups at monitoring.

Susuporta rin sa programa sakaling matapos na ang konstruksyon ng Mother and Child Hospital na aalalay sa mga kinakailangang serbisyong medikal ng mga ina at bata.

Samantala, kasama rin sa pinapalakas pang programa ngayon ay ang programa sa mga mahihirap sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments