‘Zero crime incident,’ target sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio

44

Target ng Davao City Police Office ang “zero crime incident” sa isasagawang inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa San Pedro Square sa Davao City bukas, June 19, 2022.

Ayon kay Davao City Police Office Director Police Col. Alberto Lupaz, dodoblehin nila ang seguridad para sa mga dadalo sa inagurasyon.

Aniya, mahigit 4,000 na pulis, sundalo at safety personnel ang ipapakalat nila sa Davao City.


Nabatid na alas-2:00 ng hapon bukas magsisimulang magpapasok ng mga tao sa San Pedro Square habang alas-3:00 ng hapon naman ay magsasagawa ng isang misa sa San Pedro Cathedral na susundan ng panunumpa ni Duterte.

Facebook Comments