
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nananatiling mapayapa at maayos ang sitwasyon sa Davao Oriental sa kabila ng pagyanig ng lindol sa nasabing probinsya.
Matatandaan na niyanig ng 7.4 at 6.8 magnitude na lindol ang Davao Del Norte.
Sa punong balitaan sinabi ng Chief ng Community Affairs Division ng PNP Directorate for Police Community Relations na si Police Col. Esmeraldo Osia Jr.na “Zero Crime Rate” ang naitala sa nasabing lugar.
Kaugnay nito, kasalukuyang nagdeploy ng mahigit 2 libong mga pulis para tiyakin ang kaligtasan at ang maagap na pagresponde sa mga naapektuhang residente .
Samantala, patuloy naman ang ginagawang pagmomonitor at pagbibigay suporta ng PNP sa Davao Oriental sa nasabing komunidad.
Facebook Comments









