Zero incident sa Independence Day celebration, hangad ng PNP CARAGA

CARAGA – Target na makamit ng Philippine National Police – CARAGA ang “Zero Incident” nitong pagdiriwang ng Independence Day.

Ayon kay PCSupt. Rolando Felix, Regional Director ng PNP Caraga mahigpit na seguridad ang ipinatupad sa ngayon kung saan nakadeploy ang daan-daang mga pulis lalong-lalo na sa mga pampublikong lugar.

Napag-alaman alas sIyete kaninang umaga, sabay-sabay na itinaas ang bandila ng Pilipinas sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon sa pangunguna ng mga loKal na opisyal, kasama ang PNP at Philippine Army.
DZXL558


Facebook Comments