Zsa Zsa Padilla, binatikos ng netizen dahil sa madumi at makalat na kusina

32

Malinis at organized na ang kusina ngayon ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla.

Sa kanyang Instagram photo, makikitang nakaayos na ang lahat ng bagay sa kanyang kitchen.


Matatandaang binatikos ng mga netizen si Zsa Zsa matapos niyang i-post ang kanyang picture na nasa kusina habang may hawak na pakwan.

Sa larawan, makikita sa likod ng singer ang mga delata na nasa ibabaw ng washing machine habang ang mantika, patis ay kasama naman ng mga fabric conditioner sa ilalim ng lababo.

Ang mga ito ay hindi nakaligtas sa mga mata ng kanyang followers kung saan inulan si Zsa Zsa ng komento.

Hindi naman na-offend ang Divine Diva sa mga kritisismo at nagpasalamat sa concern ng iba sa kanyang makalat at maduming kusina.

Facebook Comments