Zumba idol na si ‘Balang,” kinilala bilang phenomenal kid internet sensation ng Philippine Social Media Awards

Manila, Philippines – Kinilala ngayon si John Philip “Balang” Bughaw bilang phenomenal kid internet sensation ng Philippine Social Media Awards.

Si Balang na unang sumikat sa mga dance moves nito kung saan naging kabi-kabila din ang kaniyang guesting partikular sa Ellen Degeneres Show ay todo ang pasasalamat sa nasabing award dahil espesyal ito sa kaniya.

Nabatid na masaya ang 8-anyos na si Balang sa pagsasayaw at pagtuturo nito kaya’t binigyan siya ng special certification bilang honorary zumba instructor ng zumba founder na si Veto Perez.


Sa ngayon, patuloy na nakakatanggap si Balang ng mga invitation sa mga TV guestings sa abroad at dream din na maakasayaw si Beyonce at Nicki Minaj.

Facebook Comments