Isang 54-anyos na lalaki ang naaresto sa ikinasang operasyon ng pulisya matapos nakumpiska sa kustodiya nito ang ₱1.17 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Maynganay Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur.
Sa bisa ng search warrant, nasamsam mula sa tahanan ng suspek ang tinatayang 172.5 gramo ng shabu na nakasilid sa dalawampu’t walong pakete.
Bukod sa ilegal na droga, nakuha rin sa suspek ang isang calibre .45 na baril, isang magazine, at apat na bala.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Maria Police Station.
Inihahanda na laban sa kanya ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









