₱1 Billion na halaga ng shabu na nadiskubre sa malabon, posibleng galing sa Golden Triangle Syndicate

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa isang bilyong pisong halaga ng shabu sa Malabon City.

Sa pinagsamang-pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), nagkasa ng follow-up operation nitong miyerkules (May 22) sa Goldwin Commercial Warehouse.

Tinatayang nasa 146 kilograms ng shabu na nakatago sa 114 bag ng aluminum pallets ang natagpuan sa shipment na nagmula sa Cambodia.


Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, pinaniniwalaang galing ito sa Golden Triangle Syndicate.

Aniya, konektado ito sa isinagawang operasyon noong February 3 sa Tanza, Cavite kung saan narekober ang 274 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng 1.9 Billion pesos at sa Dasmariñas, Cavite kung saan nasabat ₱244 Million pesos na halaga ng shabu.

Isinailalim na sa forensic investigation ang cellphone ng mga naarestong suspect sa Dasmariñas operation na sina Alexander Jun Wah Ting Lee at Patrick John Gankee.

Sinubukan din ng mga suspek na itago ang mga shabu sa loob ng tapioca starch shipment kung saan naka-consigned sa goroyam trading.

Ang goldwin commercial warehouse ay nagsumite ng highest bid para sa shipment noong April 22.

Facebook Comments