Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang 535 pieces ng ecstasy tablets na may street value na ₱1 million.
Natuklasan ito ng mga otoridad sa air parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC).
Ang mga tableta ay nadiskubre sa physical examination at sa laboratory test na ginawa ng mga otoridad sa air parcel.
Lumabas din sa imbestigasyon na ang air parcel ay mula sa The Netherlands at ideneklara itong mga dokumento.
Ang 535 pieces ng ecstasy tablets ay nai-turn over na sa PDEA at inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA No. 9165) at Customs Modernization and Tariff Act (RA No. 10863) laban sa mga indibidwal na nasa likod ng nasabing importasyon.