Aabot sa ₱10.3 bilyong ang karagdagang kita ng ekonomiya kada linggo kapag ibinaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Karl Kendrick Chua, malaking tulong ito sa mga manggagawa kung saan inaasahang mababawasan ng 43,000 ang bilang ng mga walang trabaho kada linggo.
Una nang sinabi ni Departmenr of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na posibleng isailalim na sa Alert Level 2 ang Metro Manila na pinaboran ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa ilalim ng Alert Level 2, papayagan na ang 50% hanggang 60% kapasidad sa indoor establishments kapag mayroong safety seal.
Facebook Comments