Umaabot sa ₱10 milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo at mga hindi lisensiyadong baril ang nadiskubre sa raid ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Makati City.
Partikular sa isang storage facility sa Makati City nadiskubre ang kahon-kahong mga smuggled na sigarilyo at mga baril na pawang hindi lisensiyado.
Sa bisa ng letter of authority mula sa Customs Commissioner at sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG), sinalakay ng mga ito ang warehouse nang hindi naman tinukoy na negosyante sa Makati.
May mga nadiskubre rin anila silang face masks at alak sa naturang warehouse.
Nakikipag-ugnayan na ang Customs sa Food and Drug Administration (FDA) para matukoy kung mayroong kaukulang permit ang mga nadiskubreng Chinese medicine.