₱10-M reward money, alok sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Quiboloy

Naglaan ng ₱10 milyong pisong pabuya para sa makapagtuturo ng kinaroroonan ni Apollo Quiboloy.

Ito ang inihayag ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr., sa pulong balitaan sa Kampo Krame.

Ayon kay Sec. Abalos, manggagaling ang pabuya sa ilang kaibigang nais na tumulong sa paghahanap kay Quiboloy.


Samantalang, nag-alok din ng tig-₱1 milyong pabuya sa limang kapwa akusado nito na sina Cresente Canada, Pauleen Canada, Ingrid Canada, Jacklyn Roy at Sylvia Señales.

Ang mga ito’y patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa kasong child abuse at qualified trafficking.

Facebook Comments