
Nasamsam ang mahigit ₱122,000 halaga ng shabu at marijuana mula sa isang 30-anyos na lalaki na itinuturing na high-value individual sa Agoo, La Union sa isinagawang implementasyon ng search warrant, madaling araw ng Marso 27, 2026.
Nakumpiska sa operasyon ang 18 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱122,400 at isang gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱120, kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia.
Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng mga ebidensya sa lugar ng operasyon alinsunod sa itinakdang proseso.
Dadalhin ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa kaukulang hukuman at sa PDEA crime laboratory para sa pagsusuri, habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










