Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kabayan kahit pa Christmas holiday.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na hanggang kahapon ay umabot na sa ₱14 milyon ang halaga ng mga food at non-food relief items ang naipamigay na sa mga apektado.
Ayon kay Usec. Punay, aabot sa 21,000 pamilya na naapektuhan ng Bagyong Kabayan ang natulungan na.
Ang mga ito ay nakatira sa rehiyon ng MIMAROPA, Region VI, Region 10, Region 11 at CARAGA.
80 sa mga apektadong pamilya ipinagdiriwang ang Pasko sa evacuation centers ngunit patuloy namang nakakatanggap ng ayuda.
Facebook Comments