₱150 wage hike, muling iginiit ng mga grupo ng mga manggagawa

PHOTO: DZXL Digital

Muling kinalampag ng ilang labor groups ang Kongreso na isabatas na ang panukalang dagdag na ₱150 na daily wage.

Ang panawagang ito ay bahagi ng kanilang mga gagawing pagkilos sa Araw ng Paggawa sa May 1.

Sabi ng grupong National Wage Coalition, hindi na kinakaya ng mga manggagawa ang mahal na bilihin at hindi na rin akma ang kasalukuyang sweldo na natatanggap.


Ang panukalang legislated wage hike ay matagal ng nakahain sa Kongreso subalit hanggang ngayon ay nakabitin ito sa committee level.

Bukod sa panawagang ito, magsasagawa din sila ng mga kilos protesta sa May 1 upang dalhin sa kalsada ang marami nilang hinaing at malaman ito ng pamahalaan.

Facebook Comments