₱15,000 NA DAGDAG SAHOD PARA SA MGA GURO, KAKAYANIN KUNG GUGUSTUHIN NG GOBYERNO – TEACHERS’ DIGNITY COALITION

Kakayanin umano kung gugustuhin ng gobyerno ang hinihiling na 15,000 pesos na dagdag sahod para sa mga guro sa Pilipinas, ‘yan ang iginiit ni Teachers’ Dignity Coalition National Chairperson Benjo Basas.
Aniya, ang one time salary adjustment na ito para sa isang milyong DepEd teachers at mga empleyado ay isa nang malaking bagay at nangangailangan lamang ng nasa 210 bilyong pisong pondo.
Mas mababa pa raw ito kung ikukumpara sa higit 300 bilyong pisong pondong inilaan para sa flood control projects ngayong taon.

Mariing inihayag ng grupo na dapat na pagtuunan ang mga pangunahing serbisyo tulad ng sa edukasyon, kalusugan, pangkabuhayan at seguridad sa pagkain para maiangat at mapaganda ang buhay ng bawat Pilipino.

Matatandaan na isinusulong ni Senator Risa Hontiveros ang panukalang batas na naglalayon na magkaroon ng 15,000 pesos na dagdag sahod para sa mga public school teachers bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments