₱2.26M INDEMNITY SA PINSALA SA AGRIKULTURA SA SAN FABIAN DULOT NG BAGYONG UWAN, NAIBIGAY NA

Nasa 298 na naapektuhang magsasaka at mangingisda sa San Fabian ang tumanggap ng kabayaran mula sa kabuuang pinsalang idinulot ng Bagyong Uwan sa sektor ng pangisdaan at pagsasaka noong nakaraang taon.

Abot ₱2.26 milyon ang halaga ng indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corporation na halaga ng mga nasirang pananim, livestock at kagamitan.

Maaalalang noong Nobyembre 2025, malawakang pinsala sa agrikultura at pangingisda ang iniwan ng Bagyong “Uwan” sa mga residente sa bayan, at tinukoy rin na isa sa pinaka apektado na kabilang sa coastal towns sa lalawigan.

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), umabot sa higit ₱1 bilyon ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Pangasinan kung saan libu‑libong magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Tiniyak naman ng Municipal Agriculture Office ang maayos na distribusyon ng tseke para sa mga benepisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments