₱2 milyong halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Mabalacat City buy-bust operation

Mabalacat City PNP

Aabot sa dalawang milyon pisong halaga ng mga ilegal na droga ang nasabat sa isinagawang police operation ng Mabalacat City PNP sa Purok Maligaya, Mabiga, Mabalacat City, Pampanga nitong Miyerkules.

Sa report mula kay Police Lt. Edward Guevara, hepe ng Mabalacat City PNP, kinilala ang nadakip sa buy-bust operation na si Mark Padlan alyas Mac, nakatira sa Rivera Compound ng naturang barangay.

Nakumpiska sa suspek ang 10 piraso ng tig P1000 marked money, digital weighing scale, 5 piraso ng heat-sealed plastic ng suspected shabu, 7 piraso ng bote na naglalaman ng dried marijuana leaves at drug paraphernalia.


Kasong Violation of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampang kaso laban sa suspek.

Facebook Comments