
Hindi na sa Kadiwa Stores kundi direkta na sa mga pinagtatrabahuhan ng mga minimum wage earners mabibili ang bente pesos na bigas.
Ito ang inanunsyo ni DA spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa sa isang pulong balita.
Ayon kay De Mesa, inihahanda na nila ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng Food Terminal Inc. at ng ilang interesadong kumpanya na nakahandang magbenta ng bente pesos na bigas sa kanilang mga minimum wage workers.
Sa ilalim ng MOA, ang FTI ang tutukoy ng mga bodega ng NFA na malapit sa kakontratang kompanya.
Ang partner company ang gagastos sa logistics o ang pagkuha ng mga bigas sa kondisyong hindi pwedeng magpatong ng presyo sa bigas na laan sa mga minimum wage earners.
Mayroong 1.2 milyong kilo ng bigas ang available kada buwan upang tuloy-tuloy na mabentahan ng bente pesos na bigas ang mga minimum wage earners.
Tinatayang 120,000 ang target ba mabenepisyuhan ng ₱20 program, kung saan sa Bicol Region ang may pinkamaraming bilang ng mga minimum wage earners.









