₱20 na presyo ng kada kilo ng bigas, posible pero malaking hamon ayon sa NFA

Nakaabang lamang ang National Food Authority (NFA) sa magiging desisyon sa isinasagawang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law (RTL).

Sa ilalim kasi ng RTL, tali ang kamay ng gobyerno sa pagbebenta sana ng mas murang bigas.

Sa interview ng RMN Manila kay NFA Administrator Larry Lacson, kung ano man ang kahihinatnan ng isinasagawang ammendments sa RTL ay pag-iigihin na lamang nila itong ipatutupad.


Ang mandato lang kasi sa ngayon ng NFA ay ang mag-imbak ng bigas bilang buffer stock na gagamitin sa tuwing mayroong mga kalamidad.

Samantala, tinitimbang naman ng NFA ang posibilidad na magbenta ang P20 na kada kilo ng bigas.

Sa ngayon kasi, bumibili ang ahensiya ng palay sa presyong P25 hanggang P30 kada kilo.

Facebook Comments