₱30-M na halaga ng yellow onions, nasabat ng BOC at DA

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang ₱30 million pesos na halaga ng smuggled yellow onions sa loob ng container vans.

Nadiskubre ang nasa 100,000 kilo ng yellow onions noong Nobyembre 29 na na-misdeclared bilang bread o pastries.

Napag-alaman ng ahensiya na walang import documents ang nasabing shipment at hindi sumailalim sa kahit anong food safety regulations.


Sinabi naman ni Agriculture Assistant Secretary James Layug na ang mga smuggled agriculture products ay maaaring magdulot ng panganib sa lokal na sektor ng Agri-fisheries dahil ang mga kargamento ay maaaring makapagdala ng transboundary disease.

Samantala, inirekomenda naman ng mga awtoridad mula agriculture department ang pagsasampa ng kaso ang mga smugglers ng BOC.

Facebook Comments