₱40 million na halaga ng smuggled agricultural products, nasabat sa Port of Subic

Photo Courtesy: Department of Agriculture - Philippines

Nasabat ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang abot sa ₱40 million na mga smuggled agricultural products sa Port of Subic.

Ito ay mga dress chicken, duck head at duck neck na tinangkang ipuslit sa pantalan patungo sa mga pamilihan.

Matapos makatanggap ng impormasyon ang DA, agad ikinasa ang isang operasyon kasama ang BOC.


Naging katuwang din nila rito ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Bureau of Animal Industry (BAI).

Nakadeklara ang naturang mga kargamento bilang squid rings ngunit nang buksan ay bumungad sa mga awtoridad ang ibang produkto.

Kasalukuyan pa rin ang follow up operation ng mga awtoridad para tukuyin ang pangalan ng consignee at para masampahan ito ng kaukulang kaso.

Facebook Comments