₱400 MILLION na tulong pinansyal sa mga mag-aaral sa kolehiyo, inilabas na ng CHED; school opening sa hunyo, posibleng ma-adjust

Inilabas na ng Commission on Higher Education (CHED) ang 400 million pesos na tulong pinansyal sa mga mag-aaral sa kolehiyo ngayon panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, tinatayang nasa 25,000 na mga estudyante mula sa 61 state universities sa bansa ang makakakuha ng tig-20,000 pesos na allowance.

Ayon kay De Vera, ito ay mula sa tertiary education subsidy program ng CHED.


Samantala, muling binigyan diin ni De Vera na malilipat lang ngayong Abril ang ending ng school year sa mga unibersidad na may lumang academic calendar kung saan mayo na sila magsasagawa ng graduation ceremony.

Para naman sa mga gumagamit ng bagong school calendar, kailangan aniyang i-adjust ang kanilang academic calendar na matatapos sa June o July.

Kasabay nito, sinabi ni De Vera na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na i-adjust ang school opening sa June dahil sa sitwasyon ngayon ng bansa bunsod ng COVID-19.

Nabatid na ilang state universities sa mga probinsya sa Luzon ang gagawin nang quarantine center dahil sa kakulangan ng pasilidad para sa mga COVID-19 patient.

Facebook Comments