Inaprubahan ang ₱40M Special Fund Assistance (SFA) Grant para sa Dagupan City bilang tugon sa matinding pinsalang dulot ng Super Typhoon Uwan.
Ang pondo ay manggagaling sa Socio-Civic Projects Fund ng Office of the President at ilalaan para sa agarang tulong, recovery, at early rehabilitation ng mga apektadong residente at komunidad.
Kasabay nito, ihahain rin sa Sangguniang Panlungsod ang Proposed Supplemental Annual Investment Program No. 3 upang mabilis na maipatupad ang mga kinakailangang programa.
Tinalakay at pinagtibay ang grant sa pulong ng Local Development Council Executive Committee na may layuning matiyak na makarating agad ang suporta sa mga pinaka-naapektuhan.
Facebook Comments









