₱50 wage increase sa NCR, tinawanan lang ng IBON Foundation

Tinawanan lang ng non-profit organization na IBON Foundation ng inaprubahang ₱50 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Sa panayam ng DZXL News, binigyang-diin ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na ang ibinigay na ₱50 wage increase ay malayo sa kinakailangan para mabuhay nang disente ang isang manggagawa.

Giit ni Africa, tila pinaasa lang ng pamahalaan ang mga manggagawang Pinoy dahil mula sa panukalang ₱200 wage increase ay bumagsak lang sa ₱50 ang inaprubahan.

Para kay Africa, barya lang para sa mga negosyante ang nasabing dagdag-sahod kung saan hindi pa ito aabot ng isang porsyento ng kanilang kabuuang gastusin.

Facebook Comments