₱500M GHOST FLOOD CONTROL PROJECT, UMANO’Y SINADYANG ITAGO SA LIBLIB NA LUGAR SA AGUILAR, PANGASINAN

Tila sinadya umanong itago sa mata ng publiko ang natuklasang ghost flood control project sa liblib na bahagi ng Brgy. Panacol Aguilar, Pangasinan, matapos matuklasan ang substandard at kulang-kulang na proyekto sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Pangasinan 2nd District Representative Mark Cojuangco, bulag ang kanyang tanggapan sa naturang proyekto na nagkakahalaga umano ng humigit kumulang kalahating bilyong piso na kapansin-pansing substandard at hindi akma sa halaga ang pagkakagawa nito.

Bagaman, wala pang pinal na detalye ng buong proyekto, isinawalat din ng opisyal ang ilan pang tinutuntong proyekto na maaring substandard at ipinatayo nang walang kamalayan ang kanyang opisina.

Matatandaan, nakaranas ng ilang ulit na pagbaha ang ilang bahgai ng bayan dulot ng mga nagdaang sama ng panahon dahilan ng pag-apaw ng ilang creek at sapa na konektado sa Agno River na dumadaloy din sa Aguilar.

Panawagan ni Cojuangco,magtakda ng patakaran ang DPWH upang hindi na maulit ang mga ganitong kahalintulad na insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments