₱556-B sa 2021 budget, maaaring gamiting pang-ayuda sa mahihirap at manggagawa

Buo ang suporta ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa ₱24 billion wage subsidy program para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Drilon, may ₱556.49 billion pesos sa 2021 national budget na maaaring pagkunan ng higit na kailangang ayuda para sa private sector workers at maralitang mga Pilipino.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Drilon ang Department of Budget and Management (DBM) na agad irekomenda sa Pangulo ang realignment ng mga hindi nagamit na special purpose funds at mga hindi pa nailalabas na pondo ngayong taon.


Pangunahing tinukoy ni Drilon ang ₱19 billion anti-insurgency funds kung saan ang 16.4 billion pesos ay para sa 800 mga barangay sa bansa na nalinis na sa mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Drilon, bahagi rin ng nabanggit na halaga ang ₱13 billion na contingent fund at ₱4.5 billion na confidential and intelligence funds.

Binanggit din ni Drilon ang malaking budget para sa pagpapagawa ng mga kalsada, tulay at multi-purpose building ng Public Works and Highways na tiyak aniyang marami pang pondong hindi nagamit dahil sa pandemya.

Facebook Comments