Pinagsisira at sinunog ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 2,800 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng ₱560,000 sa Sitio Bulisay, Kayapa, Bakun, Benguet Province.
Ito ay kasunod ng utos ni PNP Chief General Debold Sinas sa kaniyang mga tauhan na paigtingin ang police operations laban sa mga taniman ng marijuana lalo na ngayong holiday season na inaasahan nilang dadami ang demand nito.
Ayon kay Sinas, sinira at sinunog ang mga tanim na marijuana na may proper documentation at alam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office.
Sa ngayon, tinutukoy pa ng pulisya kung sino ang nagtanim ng mga marijuana sa 700-squaremeter communal forest na classified bilang public land.
Facebook Comments