₱6-B na halaga ng iligal na droga, sinunog ng PDEA sa Cavite

Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos ₱6 bilyong halaga ng iligal na droga sa isang waste management facility sa Trece Martires City sa Cavite.

Kabilang sa mga sinira ay ang 274 kilograms ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nakumpiska sa Manila International Container Port (MICP) noong October 6, 2023 at 208 kilograms ng dimethyl sulfone, isang shabu extender na narekober ng National Bureau of Investigation (NBI) Mabalacat, Pampanga noong August 25, 2023.

Karamihan sa sinira ay shabu na may timbang na 471,478.0639 grams


312,993.9424 grams ng Marijuana, at 208,909.00 grams ng dimethyl sulfone.

Noong nakaraang pitong buwan, sinira din ng PDEA abot sa ₱19.9 billion o 3.7 tons ng dangerous drugs sa Cavite.

Facebook Comments