₱6 bilyong halaga ng shabu, narekober ng PNP sa unang apat na buwan ng 2023

Nakasamsam ang Philippine National Police ng ₱6 bilyong halaga ng ilegal na droga mula Enero hanggang Abril 22, 2023.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Red Maranan, karamihan sa mga ito ay mula sa mga big-time drug dealer.

Kasabay nito, tiniyak ni Maranan na istriktong ipinatutupad na chain of custody para hindi nare-recycle ang droga.


Ito’y sa gitna ng kontrobersya tungkol sa umano’y pagkupit ng ilang pulis ng 40 kilos mula sa 990 kilos ng shabu na narekober noong nakaraang Oktubre mula kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr., sa kanyang lending shop sa Maynila.

Facebook Comments