₱7.4-M halaga ng shabu, nasamsam sa anti-illegal drug operation sa Concepcion, Tarlac

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang tinatayang ₱7.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang matagumpay na buy-bust operation sa Brgy. San Bartolome, Concepcion, Tarlac dakong ala-1:00 ng madaling araw kanina.

Naaresto sa operasyon si alyas “Jervey,” 39 taong gulang.

Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 1,100 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱7,480,000.00.

Dinala ang suspek sa Concepcion Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Isasailalim naman sa pagsusuri sa Tarlac Provincial Forensic Unit ang mga nakuhang ebidensiya.

Facebook Comments