₱748-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PNP sa Cavite

Nagkasa ang Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ng buy-bust operation kagabi, September 9, 2024 na nauwi sa pakaka-aresto sa dalawang drug suspek at pagkakasabat ng ₱748-M halaga ng shabu.

Nangyari ang operasyon sa Barangay Pasong Buaya II, Imus, Cavite.

Ayon sa PDEG isang 37 years old at 26 years old na mga lalake ang suspek na taga-Dasmarniñas at Cavite kung saan nakuha sa mga ito ang nasa 1,109 na gramo ng Shabu.


Nakuha din ang ₱1 million boodle money at cellphone kung saan nakipagtransaksyon ang mga pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Sa ngayon, hawak na ng PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 4A ang mga ebidensya para sa documentation at investigation kung saan ipinagharap narin ng paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang naarestong suspek.

Facebook Comments