
Maglalaan ang pamahalaan ng ₱82.3 bilyon para sa mga proyektong direktang ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan.
Sa pulong sa Malacañang kasama ang mga gobernador at alkalde, tinalakay ang pagpapatupad ng Local Government Support Fund o LGSF.
Gagamitin ang pondo para sa mga programang may kinalaman sa seguridad sa pagkain, kalusugan, edukasyon, imprastraktura, at kabuhayan.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, dinagdagan ang pondo upang mas mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad.
Giit ng Malacañang, may kakayahan ang mga local government unit (LGU) na pangunahan ang pagpapatupad ng mga proyektong makatutulong sa kanilang nasasakupan.
Facebook Comments










